Mainit ang weekend dahil hot na hot sa talakan ang mga Miss Q and A weekly finalists na sina Odessa Jones, Reign Manzano Gaboy, Affarah Deur, Jane Estolora, at Janna Felices na may kanya-kanyang eksena. Napangiti na lang si Odessa, flashing her brand new smile, nang mapansin na parang bunot siya ng hosts at mga kapwa kandidata. Para bang siya ang target patalsikin sa laban?! Pero dahil unpredictable ang competition, si Jane ang unang nag-bow at nag-goodbye sa harap ng nation, samantalang ang natitirang apat ay umabante sa Wit Lang round. Laroooo! Kanya-kanyang 'amats' na sa Wit Lang! Si Jane, napaisip kung pwede bang magkamabutihan ang dalawang tao na masama ang ugali. Ipinaliwanag naman ni Odessa ang opinyon niya kung bakit hindi nagkaka-pimple ang litson kahit palagi naman itong oily. "Kung ikaw ay singit at tinawag ang pangalan mo, kakanta ka ba?" 'yan naman ang tanong na nabunot ni Reign. At bilang anak ng sabungero, parang itinadhana kay Affarah ang tanong na, "Sa iyong palagay bakit tumitingala ang mga manok pagkatapos nila uminom?" Mula apat, dalawa lang ang naka-survive para mag-face off sa Beklamation, at ito ay sina Affarah at Odessa. Ang question of the day ay, "Kung ikaw ay magulang at may matinding away ang 'yong dalawang anak, may papanigan ka ba?" Walang dead air sa tawanan at walang sablay sa connection kapag ang naglaro sa game arena ay mga estudyanteng kumukuha ng kursong Communication. Sino ang magiging top student at top player sa Laro Laro Pick? Full of energy si player Lee, na pangarap maging jouralist dahil ang puso niya ay tumitibok para sa public service. Pero mula career goals, napunta ang usapan sa kilig-kiligan nang hindi niya maitago ang nararamdaman kina Brent Manalo at Darren Espanto. Agaw-eksena rin si Christian, na napagkamalang anak ni Miss Q and A Odessa Jones! #ShowtimeOKsNaOKs #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Trailer
Maaari Mo Ring Magustuhan
Kandidata, excited MALOTLOT sa Miss Q&A?!
Yeng at Ryan, reunited sa Showtime stage
Vice relate sa PAINFUL love experience ni Jona
Odessa Jones ng
Pinoy Big Brother Collab 3.0
Love in the Moonlight: Redrawn
Street World Fighter Last Stage: 24H
This is Hyunmoo Road
The Perfect Wife
Teen Wolf
All the Queen's Men
Stranger Things
Sparks Camp
It's Showtime(2026)
BINIversus
Gandara the Beksplorer
BINIverse and Chorus
Single's Inferno Reunion
Scandal love
Outlast: The Jungle
DMD Friendship the Reality, The THIRD Chapter
Running Man(2026)
Stand BI Me
My Sibling's Romance
Mga Komento
2 Mga Komento
